Saturday, January 19, 2013

Hacienda Luisita para sa mga Magsasaka


              Ang Hacienda Luisita ay may sakop na 6,435 ektaryang lupaing pansakahan. Ito ay isang biyaya para sa ating agrikultura at para sa maraming magsasaka. Maraming pamilyang Pilipino ang umaasa sa pagtatanim sa napakalaking lupain na ito at nang maipasa ang CARP ng dating Pangulong Corazon Aquino ay unti-unti nang ipinamahagi ang mga lupaing ito sa mga maliliit na magsasaka. Ngunit ayon sa mga magsasaka ay tila wala namang naitutulong ang mga batas at programang ipinapatupad ng pamahalaan sapagkat maliit pa rin ang kanilang sweldo at hindi pa rin naibibigay ang pangakong sariling lupaing sasakahin.  Tuwing SONA ng mga pangulo ay lagi nilang ibinibida ang kanilang mga nagawa para sa bayan ngunit ang mga ordinaryong tao tulad ng mga magsasaka ay hindi sumasang-ayon sa mga ulat na ito sapagkat hindi naman nila nararamdaman ang pag-unlad na parati na lamang sinasabi ng mga pangulo.

                     Ang mga programa bang isinusulong ng pamahalaan ay tunay bang nakatutulong sa mga magsasaka o ang benepisyo ay sa kanila rin napupunta? Bakit napakatagal ipamahagi ang mga lupang sakahan sa mga talagang nangangailangan nito? Ang mga pundong inilalaan ng pamahalaan para sa mahihirap ay nagagamit ba ng wasto o sa bulsa ng ibang tao ang diretso nito? Ito ang mga tanong na gusto kong mabigyan ng kasagutan.


               Nakakalungkot isipin na ang mga magsasaka na siyang nagtatanim ng palay ay siyang walang maipakain sa kanilang mga pamilya. Malaking kaibahan sa kasabihang "Kapag may isinuksok, may madudukot" sapagkat ang kanilang sitwasyon ay kami ang nagtanim ngunit wala kaming makain. Tungkol naman sa kwento ni Nakpil na kabilang sa tinatawag na SDO, ay parang niloloko lamang sila ng gobyerno sapagkat pagkatapos pa ng 30 taon ibibigay ang 32% ng stocks ng nagmamay-ari ng hacienda sa mga magsasaka. Ngunit napakatagal ng 30 taon at hindi natin masasabi kung anu pa ang maaaring mangyari pagkatapos ng 30 taon kung tunay ngang maibibigay sa kanila ang lupa at kung nabubuhay pa sila sa panahong iyon. Hindi lamang iyon, 7 000 magsasaka ang kasapi sa SDO na maghahati-hati sa 32% stocks. Ibig sabihin, ang bawat isa ay makatatanggap ng wala pang 5% stocks. Sa ganitong kalagayan ay tunay ngang hindi nakatulong ang programang ito ng pamahalaan. 
                
                   Ang 50 pesos kada araw na natatanggap ni Nakpil galing sa programang ito ay kulang na kulang na upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya sa pagkain pa lamang. Nabigyan nga si Nakpil ng lupa para sa bahay ngunit saan niya kukunin ang pangpatayo ng bahay? Wala siyang maipapamana sa kanyang mga anak at hindi pala mapupunta sa kanya ang lupang kanyang sinasaka. Tila pinaasa lamang ng pamahalaan ang mga magsasakang naghirap para magkaroon ng kanin ang mga plato ng mga mamamayan. Sinamantala rin nila ang pagiging mangmang ng mga magsasaka sapagkat hindi sila nakapagtapos sa pamamagitan ng pagpapapirma sa mga kontratang sila naman talaga ang makikinabang. 




Kalagayan ng Agrikultura

The Philippines is still primarily an agricultural country despite the plan to make it an industrialized economy by 2000. Most citizens still live in rural areas and support themselves through agriculture. The country's agriculture sector is made up of 4 sub-sectors: farming, fisheries, livestock, and forestry (the latter 2 sectors are very small), which together employ 39.8 percent of the labor force and contribute 20 percent of GDP.


One of the most pressing concerns of the agricultural sector is the rampant conversion of agricultural land into golf courses, residential subdivisions, and industrial parks or resorts. In 1993 the nation was losing irrigated rice lands at a rate of 2,300 hectares per year. Small land-holders find it more profitable to sell their land to developers in exchange for cash, especially since they lack capital for seeds, fertilizers, pesticides, and wages for hiring workers to plant and harvest the crops. Another concern is farmers' continued reliance on chemical-based fertilizers or pesticides that have destroyed soil productivity over time. In recent years however, farmers have been slowly turning to organic fertilizer, or at least to a combination of chemical and organic inputs.



               Environmental damage is another major concern. Coral-reef destruction, pollution of coastal and marine resources, mangrove forest destruction, and siltation (the clogging of bodies of water with silt deposits) are significant problems.


The agriculture sector has not received adequate resources for the funding of critical programs or projects, such as the construction of efficient irrigation systems. According to the World Bank, the share of irrigated crop land in the Philippines averaged only about 19.5 percent in the mid-1990s, compared with 37.5 percent for China, 24.8 percent for Thailand, and 30.8 percent for Vietnam. In the late 1990s, the government attempted to modernize the agriculture sector with the Medium Term Agricultural Development Plan and the Agricultural Fisheries Modernization Act.




 _____________________________________________________________________
         
             Ang Pilipinas ay mayaman sa mga likas na yaman at karamihan sa ating mga mamamayan ay dito kumukuha ng ikabubuhay sa pamamagitan ng pagsasaka, pangingisda at iba pang gawaing pang-agrikultura. Ngunit ang sektor ng agrikultura sa ating bansa ay maraming problemang kinakaharap tulad na lamang ng pagkasira ng ating kapaligiran at ang mga kalamidad na dulot ng tinatawag na global warming at climate change. Malaki ring problema ang pagiging moderno ng ating bansa sapagkat pinapatayuan nila ng mga gusali ang mga lupang sakahan at kinakalbo ang kagubatan upang tayuan din ng mga establisyemento. Dahil sa mga problemang ito na hindi masulusyunan hanggang ngayon ay hindi umuunlad ang ating agrikultura.

              Para sa akin, mas pinagtutuunan ng pansin ng pamahalaan ang industriya kaysa agrikultura sa kadahilanang panay ang pagpapatayo nila ng gusali na siyang nagiging dahilan kaya paunti nang paunti ang mga lupang sakahan. Ngunit mawawalan ng saysay ang pagpapaunlad ng industriya kung patuloy ang pagbagsak ng agrikultura sapagkat dito nanggagaling ang mga hilaw na materyales na ginagamit ng industriya upang gumawa ng mga yaring produkto kaya naman dapat unahin ng gobyerno ang paunlarin ang agrikultura sa pamamagitan ng pagbibigay ng sariling lupa sa mga magsasaka at pangangalaga sa ating karagatan. Sa pamamagitan nito ay uunlad ang ating ekonomiya, magiging maginhawa na ang buhay ng mga magsasaka at mangingisda, magiging mabuti ang kalagayan ng ating kalikasan at bababa ang presyo ng mga bilihin.